Martes, Marso 14, 2017

Gamit na Pangngalan bilang Simuno Part 1

A. Pag-aralan Natin
     Basahin at suriin ang salitang may salungguhit.


  1. Si Maria   ay nagbabasa ng libro.
  2. Lumilipad ang mga ibon.      

B. Talakayin Natin


  1.      Ano ang pinag-uusapan sa unang pangungusap?
  2.     Ano naman ang pinag-uusapan sa ikalawang pangungusap?
  3.     Anong uri ng salita ito?
  4.      Anong uri ng pangngalan ang Maria?
  5.     Anong uri ng pangngalan ang mga ibon?
  6.     Ano ang gamit ng pangnalang ito sa pangungusap?
  7.     Ano ang Simuno?  
C. Isa-isip Natin
    Ang pangngalan ay maaring gamitin sa pangungusap bilang simuno. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaring pangunahan ng mga panandang si, sina, ang, at ang mga.  Ang pangngalang ito ay maaring pantangi o pambalana.

D. Sanayin Natin
Isulat ang wastong pangngalan bilang simuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

  1. _______________ ay sumabog  kahapon.
  2. Nagkaroon ng sunog sa _________ noong isang linggo.
  3. Nasunugan sina ______________, ___________ at ________.
  4. Si _______________ ay ang aming prinsipal sa Makati Elementary School.
  5. Paborito kong guro si ___________.

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pangngalan bilang Simuno.
  1. Ang aking kaklase
  2. Makati
  3. leon
  4. Pasko
  5. lapis
Buuin ang talatang ito gamit ang mga pangngalan bilang simuno ng pangungusap.
      Ang aking kaklaseng si ___________ ay napakatalino. Ang ____________, ____________ at Filipino ay ang mga paborito niyang asignatura. Para sa kanya, napakadaling sagutin ang mga __________ sa Filipino 5. Si ______________ ay ang kanyang matalik na kaibigan. Palaging magkasama ang dalawang _______ sa anumang lakaran. Hindi iniiwan ni Marvie si _________ sa kanilang mga lakad. Kahit pauwi na, palagi pa rin magkasama ang dalawang _________________.

Marso 15, 2017, 10:24 am
MES
cdjran2017

1 komento:

  1. Titanium Removes TATON - TITanium Art | T-Tite
    This unique brass core is titanium framing hammer made to be the perfect addition raft titanium to your TATON arsenal. titanium earrings Perfect titanium legs for your personal or ridge wallet titanium hobby.

    TumugonBurahin