Basahin at suriin ang salitang may salungguhit.
- Si Maria ay nagbabasa ng libro.
- Lumilipad ang mga ibon.
B. Talakayin Natin
- Ano ang pinag-uusapan sa unang pangungusap?
- Ano naman ang pinag-uusapan sa ikalawang pangungusap?
- Anong uri ng salita ito?
- Anong uri ng pangngalan ang Maria?
- Anong uri ng pangngalan ang mga ibon?
- Ano ang gamit ng pangnalang ito sa pangungusap?
- Ano ang Simuno?
Ang pangngalan ay maaring gamitin sa pangungusap bilang simuno. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaring pangunahan ng mga panandang si, sina, ang, at ang mga. Ang pangngalang ito ay maaring pantangi o pambalana.
D. Sanayin Natin
Isulat ang wastong pangngalan bilang simuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap.
- _______________ ay sumabog kahapon.
- Nagkaroon ng sunog sa _________ noong isang linggo.
- Nasunugan sina ______________, ___________ at ________.
- Si _______________ ay ang aming prinsipal sa Makati Elementary School.
- Paborito kong guro si ___________.
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pangngalan bilang Simuno.
- Ang aking kaklase
- Makati
- leon
- Pasko
- lapis
Buuin ang talatang ito gamit ang mga pangngalan bilang simuno ng pangungusap.
Ang aking kaklaseng si ___________ ay napakatalino. Ang ____________, ____________ at Filipino ay ang mga paborito niyang asignatura. Para sa kanya, napakadaling sagutin ang mga __________ sa Filipino 5. Si ______________ ay ang kanyang matalik na kaibigan. Palaging magkasama ang dalawang _______ sa anumang lakaran. Hindi iniiwan ni Marvie si _________ sa kanilang mga lakad. Kahit pauwi na, palagi pa rin magkasama ang dalawang _________________.
Marso 15, 2017, 10:24 am
MES
cdjran2017